Ang adobo ay itinuturing na pambansang pagkain ng Pilipinas. Ang pagkain na ito ay binubuo ng piraso ng manok na niluluto sa toyo, suka, bawang at paminta.
Mga Sangkap
- ½ kilong manok, hiniwa sa katamtamang laki
- ½ kilong liempo, hiniwang pakuwadrado
- 1/3 tasang suka
- 2 kutsarang dinikdik na bawang
- 1 dahon ng laurel
- 2-3 kutsarang toyo
- ½ kutsaritang pamintang buo
- tubig
- 1 kutsarang mantika
Mga Hakbang
- Sa kaserola, paghaluin ang manok, liempo, suka, 1 kutsara ng bawang, laurel, toyo at pamintang buo.
- Pakuluan at pagkatapos ay hinaan ang apoy at lutuing walang takip ng 10 minuto. Kung medyo tuyo ay maaaring magdagdag ng kaunting tubig. Takpan at lutuin hanggang lumambot.
- Sa kawali, papulahin ang nalalabing bawang sa pinainit na mantika.
- Idagdag ang inaadobong manok at liempo. Tustahin ng kaunti at saka ibuhos ang sabaw ng adobo.
- Kung nais, maari ring papulahin muna ang liempo at manok sa mantika bago idagdag ang suka, bawang, laurel, toyo, paminta at tubig.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento