Pinakulatang Manok With Bola-bola
Ang ating bansang Pilipinas ay kilala sa ganda nito at isa ring kinikilala ng iba ay ang mga Pagkaing Pinoy na dinadayo pa ng mga turista.Patuloy nating tangkilikin ang Pagkaing Pinoy lalo na't laong tumataas ang dami ng turista ang dumadayo sa ating bansa sikat man o di-sikat ,mayaman man o mahirap tinatangkilik ang Pagkaing Pinoy.
Mga Sangkap
Pinakulatang Manok
- 1 whole local chicken
- 2 pirasong niyog
- 2 tasang hugas bigas
- 3 pirasong tanglad
- mint leaves
- 8 pirasong hinog na siling haba
- 3 tasang tubig
- 1 pirasong kapayas (hindi gaanong malaki)
- atsal
- sibuyas
- bawang
- luya
- mga dahon ng sili
- magic sarap
Hakbang
- Ihanda ang mga napiling sangkap.
- Ibuhos ang 2 tasang Hugas Bigas at 3 tasang Tubig sa kadero.
- Ilagay ang 1 whole lokal na manok sa kalderong may Hugas Bigas at Tubig, kasama dito ang mga dahon ng Tanglad, Luya, at gata ng Niyog.
- Pakuluin hanggang sa lumambot ang manok.
- Pag lumambot na ang Manok, ilagay ang mga natirang sangkap.
- E-simmer ng 10 minutes.
- Ilipat sa ibang lalagyan at lagyan ng garnishing kung gusto,
- E-serve and eat happily ever after
Bola-bola
- 1/2 kilong giniling na karne ng isda
- corn starch
- 2 pirasong karots
- sibuyas
- bawang
- magic sarap
- 5 pirasong itlog
Hakbang
- Ihanda ang mga napiling sangkap.
- Hiwaing ng pino ang sibuyas, bawang, at karots.
- Haluin ang Corn Starch, Itlog, at giniling na karne ng Isda. Tapos lagyang ng Magic sarap.
- Gawing Bola-bola ang mga nahalong sangkap.
- I "Deep fry"
- I-serve and eat happily erver after,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento